Sestina ng pasko

Folder: 
Filipino poems

Tumutunog na ang kampanang kaylalaki

Tawag na kayong nakahilata pa

At sisimba na ng labing anim na araw

Tugon sa taunang tradisyon nating Pinoy

Tulad ng parol, Noche Buena’t aginaldo

Ito ay hindi nawawala tuwing pasko



Ngunit kakaiba ang atin ngayong pasko

Gatambak na problema, presyong kay lalaki

‘Di magkandaugaga sa pang-aginaldo

Habang ‘di tiyak kung bonus ay darating pa

Nagdarasal na lamang marami sa Pinoy

Upang maibsan ang hirap sa araw-araw



Dati’y Megamall ang punta sa gan’tong araw

Lahat ay sa mall namimili tuwing pasko

Ngunit nagbago ang siste ng mga Pinoy

Divisoria laban sa mall na kay lalaki

Ito ang tugon sa presyong tumataas pa

Makapamahagi lamang ng aginaldo



Dahil ang pasko ay tungkol sa aginaldo

Magpasaya ng bata sa ganitong araw

Kahit kinakapos na’y mamimili pa

Mapaligaya lang mga bata sa pasko

Ang iba’t ibang regalo na kay lalaki

Nakaugalian nang pamigay ng Pinoy



Kaya’t ngayong pasko maraming mga Pinoy

Magiipon ng barya na pang-aginaldo

Maging mga inaanak na kay lalaki

May handang regalo pagdating niyong araw

At kahit pa mahirap atin ngayong pasko

Lilimutin ang problema’t mamimigay pa



Dahil ang bawat tao ay umaasa pa

Biyaya’y darating sa ating mga Pinoy

Sa labing anim na araw bago ang Pasko

Maraming hihingi sa Diyos ng aginaldo

Na bukas ay maging mas maayos na araw

Mapawi, hirap at problemang kay lalaki



Sa simbang gabi pa, pagasa’y aginaldo

Sa puso ng Pinoy may liwanag ang araw

At ngayong pasko may biyayang kay lalaki

View kyoksil's Full Portfolio