Kahapong walang linaw

Folder: 
Filipino poems

Bawat patak ng luha mula sa mga mata

Ay bakas ng kahapong ‘di na babalik pa

Pilit galugarin ang puno’t dulo’y tila

Ipinagkakait ng panahon ang pagtuklas



Bakit nga ba kailangang magdusa sa kahapon

Gayong iyo’y nakalaipas at dapat itapon

At ang ngayon ay mga panibagong pagsubok

Na kung sa paanong paraan ma’y dapat iahon



Ngunit pilit mang limutin, isip ay umaalagwa

Nagpupumilit na katotohana’t dahilan ay makita pa

Lalo pa’t walang linaw sa kung paano nagawa

Panlilinlang sa nadadamang puro at dakila



Kapalaran, tanggapin man ay ‘di maatim

Ang tumpok nito’y bumabara pa rin sa isip

Paglimot ay malayo pa at ‘di marating

Ngayon ko’y anino ng kahapong bumabalik



Sa kung paanong paraan ito’y malilimutan

Natatanging hiling nang paa’y makapadyak na ng lubusan

Dahil sa bawat pagkakatali sa kahapong walang linaw

Ay ngayon na tila naiipit at nahihilaw


View kyoksil's Full Portfolio