Nasaan ka? Sa ibayo, kay layo
Naglilingkod, sa ‘di naman kadugo
Nagaalaga, ng sanggol na ‘di iyo
Maibigay mo lang, mga kailangan ko
Aking Ina, akong tunay na anak
Nangungulila, sa iyong mga yakap
Sa ‘yong salita, at sa iyong awit
Nadarama mo bang kailangan kita?
Koro
Higit sa lahat ay iyong yakap
Ano mang yaman sa mundo ay hindi sasapat
Tanging awit mo lang at tanging yakap mo
Ang ngayon ay kailangan ko
Hinanahanap, ninanais
Inay, nasaan ka?
(Hanggang kalian maghihintay sa’yo inay?)
Nasaan ka? Naririnig mo ba?
Nanaghoy sa iyong pagsamo
Inay ako’y nagdurusa’t nagiisa
Aking puso’y natalo’t sugatan
O kay sakit nang ako ay maiwan
Nagiisa, wala nang makapitan
Aking Ina habang sanggol ay ‘yong kalong
Naririnig mo ba ang iyong anak?
(Ulitin ang koro)