Panaghoy sa sinapupunan

Folder: 
Filipino poems

Ina madilim sa aking kinalalagyan

Ako’y natatakot sa nararamdaman

Hindi pa ako handang magpakita

Sa mundong iyong ginagawalan



Ang bulong ng anghel ako’y kumapit

Mayroong pagsubok na sasapit

Ina bakit tila sumisikip?

Bakit katawan ko’y naiipit?



Ina ika’y naririnig

Nararamdaman mo rin ba ang sakit?

Ina sa hangin ay nagigipit

Tulungan mo ako, hindi na makakapit



Lumuha ang anghel sa dilim

Sabi n’ya ako na ay bumitiw

Hindi ko na raw kakayanin

Ako raw ay hihilain



Ina nasan ka?

Pigilan mo sila sa paghila

Naiipit ako’t di makahinga

Ina?  Ina?…inaaah!

View kyoksil's Full Portfolio
tags: