Huwad ka...ba?

Folder: 
Filipino poems

Huwad ka!

Dinakila ka

Sa mahabang panahon

Ngunit ‘di nagpakilala

Isinumpa ako

Iniwan sa karimlan nagiisa

Walang karamay

Malamya

Tila patay

Huwad ka!

Asan ang pangako mo?

Liwanag ng umaga?

Asan ang pag-ibig?

Sa akin ay sasalba?

Ako’y magisa

Iniwan mo na

Nagdurusa

Lumuluha

Para matauhan?

Hindi na kaya

Nasan ka?

Huwad ka ba talaga?


View kyoksil's Full Portfolio