Hardin na Kanal

Folder: 
Filipino poems

Hardin ng mga pinagkaitan

Mga munting anghel na iniwan

Dito sila’y magkakasama

Mga kaluluwang binasura



Mga walang malay na nilalang

Pinagkaitan dahil sa karuwagan

Halika’t sila’y pakinggan

Anong lungkot ang kanilang awitan



Nananawag ng magmamahal

Bigkas ang ngalan ng inang hangal

Nananalangin na sana sila ay

Minsa’y biyayan ng buhay



Huli na ang lahat

Sa hardin sila ay nagkalat

Mga kinitilan ng pagkakataong mamulat

Sa mundong puno ng hirap



Sino ka ngayon na nangangaral?

Mga tao’y tinuturuan ng dangal?

Gayung ikaw ang hangal

Na nagtulak sa mga inang bumuwal



Sinabi mong kahihiyan

Ang supling na di kagustuhan

Dinikta mo ang hirap ng lipunan

Na pumigil sa kanilang pagsilang



Sino ka ngayon na nangangaral?

Di mo alam ang kahulugan ng dangal

Pakinggan mo ang mga anghel na banal

Na pinatapon mo sa hardin na kanal

View kyoksil's Full Portfolio
tags: