Ikaw pa rin

Folder: 
My songs

Tuluyan mo na nga akong nakalimutan

Mahirap man isipin ngunit kita ko sa’yong mga mata

Kay sakit ng lahat ng nangyari

Hindi ko man tanggap ngunit kaya ko sana



Ikaw pa rin ang iniibig ko

Kahit alam kong nagbago nang damdamin mo

Ikaw pa rin ang panaginip ko

Kahit alam kong mayroong iba sa puso mo

Iniibig kita



Mahirap man gawin ngunit aking kakayanin

Mayroon ka nang iba, ako’y masasaktan lamang

Kung sino man siya, sana’y lumigaya ka

Mahal pa rin kita o giliw ko




View kyoksil's Full Portfolio