Sa apat na sulok ng tahanan

Folder: 
Filipino poems

Sa apat na sulok ng bahay ko

Mugtong mata akong nakatalungko

Nananalangin na sana’y dinggin

Mga humihikbi kong saloobin



Pag-ibig na sumira sa tinik na bakal

Pusong tinubigan nagpausbong ng buhay

Sariling hinayaan na bigyang kaligayahan

Ngayo’y lugmok sa dusa ng karimlan



Lumisan ang liwanag taglay ang pag-ibig

Ang dating hardin ay gubat nang kay dilim

Sa gitna ng gubat nangapa ng tapang

Subalit walang ibang buhay na doo’y makapitan



Sa pagkatalungko’y pinipilit mabuhay

Hinihintay maiunat ang isipan

Ang apat na sulok ng munting tahanan

Nagsilbing bilangguan ng may hangal na karanasan

Author's Notes/Comments: 

This one was just last week :)

View kyoksil's Full Portfolio