Parang kagat ng langgam ang lason
na lumalamon sa kanyang ugat.
Kumurot sa kanyang diwa ang gunita.
Sa simbahan, Sa lawa,
kumukutitap, umiikot,
naghahabulan, nagwawala
ang mga munting ilaw ang mga pulang ilaw
kasabay ng awitan kasabay ang sigawan
“Pasko na naman…” ng mga sirena.
Isang Maria ang nakaluhod, May ulong nakasilong
ulo ay nakayuko, sa ambulansya,
mata ay nakapikit, pinid ang mga mata
nanalangin, habang hinihintay ang buntis na katawan
nagpapasalamat. na nasa laot pa.
Isang bagong silang na sanggol Isang sanggol na nilingkisan ng pusod
ang inilapag sa sabsaban; ang sa laot ay iniahon.
Ang lahat ay nagdiwang. Nagsigawan ang taong bayan.
Isang Jose Isang lalake
ang malugod na nakatanghod, ang sa pampang ay napiit;
nakatitig, mga mata ay nanlilisik
sa mag-inang kapiling. sa mag-inang nasisid.
Binalot na ng lason
ang kanyang isipan;
ang buong katawan.
At sa huling singhap
hindi pa rin malingap.
Kabayaran daw ito,
sa kung saan,
hindi niya maintindihan.