Halubigat

Folder: 
Filipino poems

Hahayaan kitang lumangoy.



Kapag ako ay natutuhang labanan

    sa tamang paghawi

    sa tamang pagkawag

    sa tamang pagpihit sa katawan

kahit pa utusan ng buwan

na tumaas

o bumaba

ang tubig,

hindi ka kailanman malulunod.



Hahayaan kitang tumakbo.



Kapag ako ay natutuhan salubungin

    sa tamang pagyuko

    sa tamang pagbaluktot ng tuhod

    sa tamang pag-angat ng paa

kahit magbago ang anyo ng lupa

paahon man

o palalim

ang kurba,

hindi ka kailanman matutumba.



Hahayaan kitang lumipad.



Kapag ako ay natutuhang sabayan

    sa tamang bukas ng pakpak

    sa tamang pagbanat ng katawan

    sa tamang paninimbang

kahit pa umihip

ng malakas

o mahina ang hangin,

hindi ka kailanman liliparin

patungo sa kawalan.



Ako

ang maghahatid sayo

sa sukdulan,

hihila,

pabalik

tungo sa una mong singkad

sa pusod

ng katotoohanan.

View kyoksil's Full Portfolio