Dilat pa ang pangit at puno ang tasa.
Sa kapihang sikip sumpaa’y binasa.
Pangit ay pumikit, nawalang pagasa’t
Mukha n’yang mapait, sumama ang lasa.
Luhang nangingilid, muta’y bumibitin.
Ang mga sinambit ayaw nang isipin.
Ang kape’t pag-ibig, nais mang initin,
Batid na ng pangit, ‘di s’ya iibigin.