Ang aking kaligayahan

Folder: 
Filipino poems

Ang kaligayahan mo’y kaligayahan ko rin

Pagibig ko’y higit sa sukat ng mundong umiinog

Kung kinakailangan, ika’y aking palalayain



Sapagkat nangakong ika’y paliligayahin

Walang kapalit na hihingin sa alay na pagirog

Ang kaligayahan mo’y kaligayahan ko rin



Kung sa puso mo man pag-ibig ay hahanginin

At ngalan ng iba ang doo’y dadapo’t matutulog

Kung kinakailangan, ika’y aking palalayain



Ang iyong kaligayahan ang aking dalangin

Nang sa ganon sakit sa puso ko ay ‘di na bububog

Ang kaligayahan mo’y kaligayahan ko rin



Kung idikta ng panahon na ako’y limutin

At sa bisig ng iba ika’y maligayang nahulog

Kung kinakailangan, ika’y aking palalayain



Kahit sa kabilang buhay ika’y mamahalin

Lahat sayo’y iaalay, ngiti mo lang ay mahubog

Ang kaligayahan mo’y kaligayahan ko rin

Kung kinakailangan, ika’y aking palalayain


View kyoksil's Full Portfolio
tags: