Bakit kita bubuhayin?

Folder: 
Filipino poems

Bakit kita bubuhayin?

Para saktan ang damdamin?

Sabihing bobo at tanga

Bakit papatayin kita?



Naloko sa nakatali?

Ako’y babaeng malandi?

Hinayaan pang magbunga?

Bakit papatayin kita?



Ikaw ba ay sandigan ko?

Sa pagbangon, pagbabago?

Susi ka ba sa paglaya?

Bakit papatayin kita?



Bakit kita bubuhayin?

Bakit papatayin kita?

View kyoksil's Full Portfolio
tags: