Villanelle naman ang isusulat
Nang pagtula ay mapagibayo
Ito’y parusa, kamukat-mukat
Sa aking tula, ako ay tapat
Susubukan lahat nang matuto
Villanelle naman ang isusulat
Ngunit kaalama’y ‘di pa sapat
At villanelle ay ineensayo
Ito’y parusa, kamukat-mukat
Kahit pa matuyo ang panulat
Sapat nang matuto kahit medyo
Villanelle naman ang isusulat
Pasensya dito ay sinusukat
Utak ay tila dinidilubyo
Ito’y parusa, kamukat-mukat
Pagpili ng salita sa pangkat
Ito’y tagisan ng talino
Villanelle naman ang isusulat
Ito’y parusa, kamukat-mukat