Ang anghel

Folder: 
Filipino poems

Ang iyong ngiti, pampawi ng lungkot

Na sa puso ko’y naglagi’t nanunuot

Sa iyong pagdating, galak ay sidhi

Pampawi ng lungkot ang iyong ngiti



‘Di sasapat makakatang salita

Ang dulot mong ligaya ay dakila

Sa sanggol na sa braso ko’y lumapat

Makakatang salita ‘di sasapat



Mga hagikhik mo saki’y ay musika

Kay lalakas man ngunit kay halina

Biyaya sa’kin ang bawat kilos mo

Saki’y musika mga hagikhik mo



Ikaw na anghel sa akin ay gabay

Sa buhay ko ay nagbibigay kulay

At sa mundo ko ngayon iyong papel

Sa akin ay gabay ikaw na anghel

View kyoksil's Full Portfolio