Hinahaplos ng hangin ang aking mahabang buhok
Kinumutan na ng kalungkutan ang mga bundok
Ang balat na naghihintay sa iyong mga haplos
Ngayon ay kumot na malungkot pag-akyat sa bundok
Ang kamay ko na dati ay balot ng iyong palad
Ay kukumot na lamang sa lungkot ng mga bundok
Ang labing nagaasam ng ngiti at mga halik
Wika’y may kumot ng lungkot sa nilimot na bundok
At ang luha mula sa mata’y nagpapaalala
Kumot K’yo ng lungkot, Babate sa sawing bundok