Maaring pula, asul, at dilaw
ang pangunahing mga kulay,
subalit hindi laging
asul,
pula,
o dilaw lang
ang buhay.
Ano ang kulay ng ubas
kung hindi magsasama ang asul at pula?
Ano ang kulay ng puno
kung magka-away ang dilaw at asul?
Ano ang araw
kung hindi mag-iisa ang pula at dilaw?
Hindi rin laging itim lang o puti.
Dahil sa gitna ng itim
may lumulutang na puti.
At sa gitna ng puti
nagmamansta ang itim.
At saan tayo babalik kung walang abo?
Kulay lupa ang pagkakaisa na may babasaging kristal na dahon.