Sa Malayong Lugar Kung Tawagin Ay Panaginip

Panaginip,

mistulang paraiso na gawa ng kathang isip.

Sa malayong lugar, ako'y ililipad ng malakas na ihip.

Dala ng blankong larawan sa pag-idlip.



Panaginip,

mundo kung sa'n ko lang siya nakakasama.

Doo’y totoo ang lahat ng mga pagnanasa,

hatid ay init na dulot ng romansa.

Dahil di na kailangang pang pigilin at umasa.



Ngunit sa bawat pag-gising, laking hinayang ang madadama.

Malilimot ang masayang sandali sa mahiwagang kama.

Mananalangin na sana'y di na natapos pa.

At bukas sa muling pagtulog, bitbit ang pag-asang siya ay makita.



Sa panaginip ko lang siya nahahagkan.

Sa panaginip ko lang siya nasisilayan.

Sa panaginip .. siya ang laman.

Dahil sa panaginip natagpuan ang panandaliang kasiyahan.


Author's Notes/Comments: 

simply a dream.

View chosenjuan's Full Portfolio
tags: