Ikaw

'Kaw na naman, nanggugulo sa blanko kong isip.

Ngayong ako'y nag-iisa at naiinip.

Pigilin ko mang 'wag nang isipin ka

ay nakikita pa rin ang maganda mong mukha.

Maraming beses na kitang pinilit na kinalimutan.

Ngunit di magawa ng utak kong ika ay palitan.

Bukas sa 'king paggising, tiyak na ikaw na naman

ang laman.

Makikiusap pati ang puso ko na ikaw ay balikan.

Author's Notes/Comments: 

missing her over and over again.

View chosenjuan's Full Portfolio