Pamagat ay Kamatayan

Simpleng mga bagay na hindi magawa ng maayos.

Di na makasabay sa daloy ng mabilis na agos.

Tinanggap pa ay malalalim na sugat at galos.

Ang gusto lang nama'y ang makaraos.



Hindi na maatim ang mga paghihirap nila.

Para lang lantang-gulay na walang magawa.

Di mabilang-bilang ang sakripisyo nilang dalawa.

Di man lang masuklian, ni makagawa ng tama.



Hinihintay na lang ang sundo mula sa kung sa'n man

upang wakasan na ang walang katapusang kamalasan.

Mga kasawian sa masukal na mundong ginagalawan

at mga darating pang salot at kahangalan.



Ang pag-asa na lang ngayon ay ang kamatayan.

Dito makakamit ang matagal ng inaasam na kalayaan.

Dito magwawakas ang dumadaming kahibangan.

Tiyak na di na maapektuhan ng mga katangahan.



Punyet* yang mga pangarap sa buhay.

Wala namang idinudulot na magagandang bagay.

Pinahihirapan ang mga taong walang kamalay-malay.

Lahat pati ang mga mahal sa buhay ay nadadamay.



Ano bang klaseng mundo tong puro na lang problema?

Wala bang araw na ito'y tapos na?

Di na nga kayang kargahin, madadagdagan pa.

Wakasan na lang ang lahat pati mga ala-ala.

Author's Notes/Comments: 

thinking of having suicide.

View chosenjuan's Full Portfolio
tags: