Insomnia At Ang Pintuan

Mag-isang nakaupo sa isang tabi

habang gumigising na ang gabi.

Animo’y isang ipis na di mapakali.

Hinahanap pa ang hanging nasawi.

Kaya’t kumuha ng kapirasong papel at panulat,

Paganahin muli ang natutulog na ulirat.

Bubuo ng isang sulating mumulat

sa kagaya kong estatwang di dumidilat.

Pinakikinggan ang mga nakalipas na mga tugtugin.

Sumasakay sa bawat linya ng magandang awitin.

Nilalasap ang saliw ng musika ng banda,

Ninanakaw ang paboritong linya ng kanta.

Hanggang may kumatok sa sarado na na pintuan.

Biglang nabuhay ang mga panahong nakalimutan.

Bumangon ang dating pagsusuyuan.

Ika’ y naliligaw sa utak sa di malamang kadahilanan.

Nagtatanong.

Naghihintay sa kasagutan.

Ba’t hindi na lang sana no’n ikaw

ang pinili upang di na pa nasaktan?

Ba’t pa naging tanga at nagbulag-bulagan?

Ba’ t di nagawang puso’ y turuan?

Naghanap ng iba,

sa pagkakataon nandiyan ka.

Sana ay ikaw na nga at wala ng iba.

Dahil ngayon

minamahal na kita.

Binuksan muli ang pintuang dati’y nakasara.

View chosenjuan's Full Portfolio
tags: