Sa 'king Mga Katoto

I



Sila ang mga taong aking nakasama

sa apat na taon ng lungkot at saya.

Mga taong di ko inakalang maging kaibigan,

na magpupuno ng mga magagandang ala-ala at kaalaman.

Nagbigay ng pagtitiwalang di matutumbasan.

Nand'yan sa oras ng pangangailangan

at kagipitan.

Binigyang halaga ang pagmamahalan

ng isang tunay na pagkakaibigan

na maituturing ko na isang kayamanan.





II



Etong si Michael, sinong mag-aakalang papayat?

Pagdating sa mga online games, siya’y nagpupuyat.

Ang laki na ng kanyang pinagbago

na noo'y nagsabing 'Makikita nio, pagpumayat ako!’'

Ngayo'y di naming inaasahan at sa isang iglap ay magkakatotoo.

Balikan na lang natin ang nakaraan na sandaling nakalimutan.

Sa bagay, eto naman ang tema ng aking tulang makasaysayan.

Lahat na ata ng cheats ay kanyang nalalaman.

Pasalamat ka na lang pag sa CS ay kanya kang tinulungan.

Di naman siya mayabang pagka-tinalo ka niya ng puspusan,

Medyo konti lang naman.

Isang oras ka lang naman niyang kakantsawan.

Sabihin na lang nating henyo siya sa larangang ito.

Ngunit spelling ng GENUIS ay ganto,

Binaliktad ba ang ‘I’ sa ‘U’, di talaga alam o nalilito?

Sa love life, si Mishyl nga lang ba?

And’yan si Joyce at marami pang iba.

Kay Janssen ay patay na patay,

Pagnakita'y tuwang-tuwa na naghahalipusay.

Inaabangan niya sa library na aming tambayan sa eskwelahan.

Kulang na lang ay iwan kami at si Janssen ay samahan.

Alam naman namin ang kanyang nararamdaman.

Magaling siya sa larong chess.

Isa sa mga nilalaban sa maraming mga contests.

Siya rin ang tipong di magpapatalo

Sa debate, siya'y aming pambato.

Pagwala kang pera ay madali siyang utangan.

Financer ng aming barkadahan.

‘wag lamang siyang kukupitan,

kundi patay ka, di ka na niya pagkakatiwalaan.

Lumagay ka nga naman sa kanyang kinalalagyan.

Sa memorization, eto ang aming lamang

Dito sa iba naming kasamahan.

May mga sekreto na sa kanya ko lang nasabi

Noong nauso ang pag-iibigang di masisi.

Siya'y nand'yan upang humalili

Kailanma'y di nang-iwan kahit sa mga huling sandali.



III



'Wag na lang nating ungkatin ang bahaging kay lupit.

Dumayo na lang tayo sa isang taong nagngangalang Kit.

Tinamaan ng sobra kay Corrie Mae na masungit.

Umiyak ng todo sa dramahan noong retreat,

Di naman namin alam na ganoon na pala siya hinagupit

Ng nadamang pag-ibig na sumapit.



Siya'y nagcollect-call kina Arli ng tanghaling tapat.

Nakakain kaya siya ng sapat?

At nagawa ang di nararapat.

Tuloy minus pogi-points yun sa kanyang future ermat.

Epekto lang yun siguro ng damdaming atat.

Ngunit sa mathematics ay matinik.

Kung magsolve ay walang patumpik-tumpik.

Mahusay rin maglaro ng volleyball

Pag-umispike ay para kang masasapol.

Isa ring magaling maglaro ng chess

Na inilalaban sa sports fest.

Pero kung gaano siya kagaling sa mga ito,

Ay laking malas naman siya sa mga babaeng kanyang gusto.

Hindi na ata kailangan pang sagutin

Ang mga katanungang nabitin.

Nagawa naman niya ang planong gamitin.

Bumihag ng isang babaeng di na kailangan pang pilitin.

‘Wag na lang sana pag-isipang ulitin,

kundi karma ang aabutin.

Pero 'pag sa kanyang birthday-an

parang dumalo ka sa isang piyestahan.

Sa sobrang dami ng pulutan.

At kung pag-uusapan ay asaran,

Idinadaan na lang niya sa palakasan.

Di oobra ang walang kwentang usapan.

Ikumpara na lang daw sa kanyang malaking katawan.

Suntukan na lang ang labanan.

Pag 'yan ay napikon ng tuluyan,

Sa mukha makikita ang kanyang kalagayan,

Maghahamon na yan ng sapakan.







IV



At siyempre kung may sapakan sa eskwela,

Mawawala ba ang isang batang pa-kwela?

‘Tong taong mahilig magpatawa.

Bentang-benta ang mga jokes na pinapakawala.

Pangalan niya ay Bernoulli.

Sa sayawan, wala ka sa kanyang masasabi.

Lahat basta pagdating do'n, siya’y kasali.

Paano ba naman, siya'y palaging pinipili.

At pag sumayaw yan na parang majorette,

Nakakatawa talaga na pagkakulet kulet.

At kung tawagin, siya'y simpleng manyak.

Naghuhubad ng salwal, no'ng itinumba na ng alak.

No'ng tumitig kay Daphne ay parang humihingi ng anak.

'Lam naman namin, hindi niya yo'n intensyon o kahit balak.

At kung magsolve ng math problems, ika'y mapapapalakpak.

Haluan pa, pag siya'y dumakdak.

Talagang ika'y sobrang mapapahalakhak.

Pag nahuli kami ni Sir Hernando, kami'y mapapahamak.

Di rin namin makalimutan,

Pantalon niya ay nabutasan,

Sa pagtapon lang ng chewing gum sa dungawan

sa aming pinagtatambayan.

Biruin ba naman

Nag-split sa ere ng sapilitan.

Kaya tuloy pantalon niya ay nalaslasan.

Di ko lang matatandaan

Kung paano siya umuwi sa ganoong kalagayan.











V



Makakalimutan ba sina Jay at Aisa?

Pag wala sila ay parang di kumpleto ang barkada.

Si Jay, ang kalbong batang mahilig magpalibre

kay Michael na minsan sa kanya’y naluge.

Si Aisa na kahit sa kabilang section siya,

Dinig ang kanyang tawa na parang siya'y mag-isa.

Noo'y palaging kinukumpara sina Jay at Ivan

Pero si kalbo pa rin ang nakatuluyan.

Saksi kami sa kanilang harutan.

Ibig ko palang sabihin ay kanilang pagmamahalan

na matagal ring kina-inggitan.





VI



Maliban sa kanila ay ang batang may-ari ng bangko

Na isa rin namang mataba este malusog na tao.

Ang pangalan niya ay Jose Fidel,

isa rin yang batang napakasutil,

Bigla ka na lang niyang babanatan

Ng mga jokes na pang-asaran.

Pero lagi rin namang nand’yan at maasahan.

Tanda ko pa, kamay ko'y kanyang kinuha ng sapilitan.

May ituturo raw siyang bagong katatawanan

May basurahan daw sa gitna ng daan,

Palad ko'y bigla niyang dinuraan.

Meron pa yang isang pakulo,

Bigla bigla na lang bubunggo.

Na hindi mo alam kung saan patutungo.

At pag siya’y nilingon mo,

kung sino-sino na ang kanyang ituturo.

Siya lang sa eskwelahan ang nagiisang coniong loko-loko.







VII



Tere, ang batang babae na kung mang-asar ay todo.

Di naman namin siya no'n matalo.

Hanggang nakaisip na lang ng isang pangalang babago,

na kahit pa'no ay kami naman ang mananalo.

Ito'y isang nilalang na sumasabit sa puno.

Malamang alam n’yo na ang kasagutan dito.

Buti na lang, magaling siya sumakay sa aming mga biro.

Kun'di malakas na sipa ang aabutin mo.

Varsity yan ng taekwondo.

At kung tumawa rin ay sobrang lakas,

abot yun hanggang labas.

Minsan nga kami ay minalas.

Damay sa sermon ni Hernandong walang kupas.

At kung humanap ka naman ng butas,

Wala ka ring kawala sa kanyang hampas.

Bumalik na lang tayo kay Tere.

Na magaling na mananalumpati,

Mga kalaban sa oration ay minamani

Minsan naman ay di siya maintindihan

Dahil pabago-bago ang kanyang isipan

Mamaya'y galit na 'yan sa di malamang kadahilanan.

Sa bagay ganyan naman ang ibang kababaihan.

Pero nakatutuwa rin ang ugaling niyang yan minsan.

Ni wala ring masyadong kaartehan sa katawan

Di tulad ng ibang babae sa aming eskwelahan.

Marami yang mga tagahanga

Na sa kanya'y napapatunganga.

Si helmet boy ang isa,

Si Rodney na sobrang tagal na,

Si kuya Marlon na naging bf niya.

Ewan ko kung si Aries rin yata..’

Idagdag pa kaming dalawa ni Tadena

Na di na kailangang pang ipagkaila.

Ang iba'y ‘wag na lang banggitin.

Baka pa ako'y suntukin.





VIII



Tambayan natin na computer shop.

Sa tanghali'y eto kagad ang hanap.

Aabsent pag na-enjoy ang laban.

Pag male-late naman ay kanya-kanyang takbuhan.

Papunta sa school, mahuli'y panget.

Aabutan pa ang isang teacher na masunget.

Aking mga katoto, nasan na kayo?

Sana ngayo'y isang barkada pa rin tayo.

Nakakamiss ang mga kalokohang pang nakatago.

Nakakalungkot dahil di na natin magagawa pa ang gan'to.






Author's Notes/Comments: 

this piece is for my high school friends. i dont have to mention their names, its on the poem already. this was the second poem that ive ever made. thanks for the memories dear friends.

View chosenjuan's Full Portfolio