Sa ilang oras ng sayang naramdaman,
Kapalit ay magdamag na araw ng kalungkutan.
Sa bawat halakhak at tawang inilabas,
Singil ay dagok na problemang humahampas.
Di maubos-ubos ang mga kontra-bida sa paligid.
Di mamatay-matay ang mga pesteng umaaligid.
Nasan ang maliit na butas ng pag-asa?
Nasan ang paraisong walang problema?