Hay Buhay..

Folder: 
Poetry in Pilipino

ikot bangon

nasan na yung sigarilyo

lalabas

tingala sa kalangitan

umaasang bagsakan

ng bulalakaw sa ulo

at tuluyan ng makoma



gising bangon

sisindi ng kanser stick

"ar u traying tu kil yorself"

tanong ni linda

bubuntong hininga

sa panibagong araw

na katulad lang nung kahapon



nagiisip

kalayaan

katahimikan

ah lintek

alas tres na

leyt na naman ako



kayod

mag papaimpress sa boss



uuwi

ikot bangon

nakalimutan na namang kumain

hihimlay

paghahandaan ang bukas

na katulad din lang naman

ng ngayon...


View bazoora's Full Portfolio