may bulungang humihiyaw sa palayan
sampung libong tinig na lalason
sa sariwang hangin ng kanluran
humapo na ang baga't
ngayoy'y muling sinisilaban
nagtatapon na naman sila ng mga binhi
uusbong at tutubo ang dahas
na matagal ring inamo ng luha
ng pagkakaisa
patungong hukay na naman ang kapatiran
ang mga bulsang datirati'y
nakikisama sa asam na kaunlara'y
pinupuno na nila ng bala ng sigalot
naghilom na ang sugat ngunit
ngayo'y magdurugo na naman
itim ang ulap na nagbabanta
sa kanyang kalangitan
kasunod nito ang unos at ang
pagulan ng bala
magdudulot ng iyak at mga sigaw
musmos pa ako noong nasa
kalagitnaan ang kwento
nagkaisip na ng winakasan nila ito
nagwakas na't magsisimula na namang
patayin ng relihiyon ang kapayapaan
sana guniguni lang 'to
sana di na mauulit
sana di magkakatotoo...
Posts: 1767 | Registered: Sep 2000 | IP: Logged