Cordillera...

Folder: 
Poetry in Pilipino

Tilaok ng manok
ang hudyat ng bagong umaga
malamig na hangin at
halik ng hamog ang babati
payapa at sariwa

kapanalig sa tanghali
ang mga punong pino
dinadayo ng halimuyak
ng kanilang malakarayom
na dahon ang
puso't isipan ko

payong ng kalikasan
na sa init at umaagaw
sa galit na titig
ng nagbabagang araw

ang hapon namay
may hatid na sayaw
sa tuwing uugong
ang awit ng kanyaw

kapatiran ang syang
bulungan sa dap-ay
sanlibong hangarin
iisa ang alay

nasaan na ba ako't
tila di ko na magigisnan
ang liwanag ng gabi
sa kanyang kandungan
tinangay ng agos
sa lupang dayuhan

nais kong mamulat
sa paligid ng Cordillera
nanunuyot nananabik
sa kanyang kalinga...

View bazoora's Full Portfolio