Matamis na Lason...

Folder: 
Poetry in Pilipino

ako naman ngayon

ang nakadungaw

sa kawalan

nag iisip nagaabang

ng isang kapangyarihan

na tila ba tutupok

sa apoy ng aking mga

katanungan



sa tuwing bumubuhos

ang mga alaalang

matagal ko nang

ibinaon sa lalim

ng walang hangang

kalimot

sila pa rin ay

kusang umaalpas

kasabay ng aking

pagyakap sa

isang bagay na sa

tingin ng

nakararami ay isang

dakilang kabutihan



ngunit impyerno nga

nakayanan ko

ito pa kaya

ah tang na e

impyerno pa rin naman

ang langit kong ito



sasabog na yata

ang dibdib ko

sa aking pilit na

pagpigil

sa aking pilit na

paglaban



isusuko ko na lang

kahit pa man ito

ang magiging dahilan

ng aking unti unting

kamatayan.






View bazoora's Full Portfolio