Tropang Alpha and Omega. <3

Folder: 
FRiENDSHiP

Kami'y magkakaibigan,
Hindi naglilimutan.
Kaaway ng isa o dalawa,
Hindi namin binabale wala.

Hindi man kami ganun kaangas,
Tulad ng mga Mundong Ahas,
Ngunit kung kami'y inyong babanggain,
'Wag na kayong magbalak gawin,
Baka kayo'y aming Tsinelasin.

Marami kaming kahayupan,
Pero dito kami nagkasunduan.
Turingang magkakapatid,
Hindi hahayaang mapatid.

Tropang Nagtutulungan,
Tropang Walang Iwanan,
Tropang Maraming Kalokohan,
Tropang Nagmamahalan,
Iilan lang 'yan sa aming Kasiyahan.

Mabait sa Mabait,
Mas Hayop sa Nanghahayop.
'Yan ang TAO,
Hindi Nagpapatalo!

Author's Notes/Comments: 

So, I Dedicate this poem are for my Loving BESTEST SET OF FRiENDS. I Love em so much && This poem describes US. :">

View nadzcoloma's Full Portfolio