Litrato

Bakit ko pa kasi sinilip,
napaisip nanaman tuloy ako,
nakakasikip ng dibdib,
nakakagunaw ng mundo.
Di lahat ng bagay na sinasabi nila'y totoo,
mer0n nga ako, pero nasan?
Kilala pa ba ako?

Pilit k0ng kinakalimutan dahil ayoko nang magtan0ng,
mga bagay na di ko maintindihan simula pa n0on.
Gusto ko sana sya magpaliwanag,
pero wag nalang,
malamang ako nanaman ang mali,
at wala rin naman syang pakialam.

Bakit ko pa kasi tiningnan,
naguluhan nanaman ako.
Napuno nanaman ng hinanakit ang puso ko.
Bakit pa kasi sumagi sa isip na tingnan ang fb mo,
kung san di m0 rin naman inaccept ang friend request ko.

Dun nalang sana makikibalita pero parang ayaw mo,
edi wag,di nalang makikipasok sa masaya m0ng mundo.
Nun din naman saling-pusa lang ako,
kaya hinanap nalang sa barkada ang sayang di naramdaman sayo.

Bakit pa kasi sinilip,
ayoko ng ganito,
laging hinahanap ang wala naman ata ako.
Sana matanggap ko na ganito talaga ang mundo ko,
Wag mo nalang sanang gunawin ng masasaya m0ng Litrato..



Grazie Merin
11/27/13 - 7:22pm

View i_am_grazie's Full Portfolio