NGAYON PALANG,GISINGIN NYO NA AKO!

di ko naman inakala,di ko rin naman plinano,
di ko ginusto,di ko inasam 'to,
hindi pa ako handa,masyado pang malalim ang sugat ko,
pero eto ka,binubuhay muli ang puso ko.

 

lam ko di mo sadya, di mo rin siguro plinano,
pero bat ganyan ka? malayo sa pagkakakilala ko.
dati ni halos di tayo naguusap, sa pangalan lang tayo magkakilala,
ngayon natatakot ako,baka di na kita kayang layuan pa.

 

pwede tigilan mo na,di ako sanay ng ganyan ka,
nahuhulog lang ako sayo,wag mo na sanang pahirapan pa.
lam ko masarap sa pakiramdam,pero para saan pa?
kung may iba ka na at di rin naman pede tayong dalawa?

 

iiwasan na sana kita,di ko nman kaya,
pwede bang mahalin nalang kita sa panaginip,kung saan akin ka.
kung sa ganung paraan,malaya akong mahalin ka,
wag na kaya akong gumising? atleast doon pwede na tayong dalawa.

 

bihira lang mangyari ito sakin, bakit ganito pa,
lam kong meron na sya, pero di ko naman mapigil ang sarili kong mahalin sya.
KUNG IMAHINSYON O ILUSYON KO LANG ANG LAHAT NG ITO,
PWEDE BA NGAYON PALANG,GISINGIN NYO NA AKO!

Author's Notes/Comments: 

ouch.. it hurts to love someone.. who loves somebody else.. T_T

View i_am_grazie's Full Portfolio