tulang pasaway

Folder: 
Tagalog Poems

hirap maghanap ng salita na tutugma sa tula,
lalo na pag walang laman ang utak mo,
at ang diwa mo`y tulala.
halos magkandakuba sa kakasulat,
pero wala talaga,
tinta ng ballpen at papel naaaksaya sa wala.

nakakainis hindi naman ako dating ganito,
dati pahawakin mo lang ako ng ballpen at
papel nakakagawa na ako sa loob ng 10 o
5 minuto.
ngayon said na lahat ng pagkamakata ko,
hala! nagiging BOBO na ata ako.

ganito ba pagpanay gimik at inuman nalang
ang inaatupag mo?
para rin palang yosi,unti-unting nauupos
ang mga ideya sa isipan ko.
mahirap na maghalungkat ng tamang salita
o linya,
SHOTANGNAMEZ! bat ganito,ayaw ko na!

HALA! wait a minute! tula na pala ito!!!
hindi ko man lang namalayan nakagawa
na pala ako.
akalain mo nga naman,HENYO parin ako,
kaya mga pasaway,welcome me...
ANDITO NA AKO!!!

View i_am_grazie's Full Portfolio