iba nalang pwede??

Folder: 
Tagalog Poems

Tahimik life ko bigla kang papasok,
magpaparamdam ng kung ano-ano,aaligid aligid na parang lamok.
Nag tanong ka kung pwede akong ligawan sabi ko depende sayo,
aliw na aliw ako nung una dahil nagmumuka kang gago..

Sa lahat ng sinaktan mong babae,ako gaganti para sa kanila,
gagawin sayo lahat ng kagaguhan na ginawa mo sa iba.
nakahanap ka raw ng katapat mo sabi nga ng iba,
pero bakit parang nahuhulog ako sayo sh*t,tang *na!

Di pwede 'to,nagiging biktima rin ata ako,
walang mahal mahal,di na yan nakalista sa bokabularyo ko.
hmm.. tama na,tigilan na ang kagaguhang ito!
di na nakakaaliw,naguguluhan na ako!

Bago pa lumala,lalayo na ako sayo,
habang maaga pa at kaya pa,tigil na natin 'to.
Yaw kong mahulog sayo ng tuluyan,wla 'to sa plano ko,
uy sensya dedma nalang pwde?,iba nalang ligawan mo..

__________________

Author's Notes/Comments: 

-para sayo nilalang hehehe-

View i_am_grazie's Full Portfolio