Tulungan mo naman ako

Folder: 
Tagalog Poems

Umiwas ako, umpisa palang alam kong masaket to,

ayaw ko sana umabot sa ganito, pero andito na tayo.

wala naman akong pinagsisihan, kasi naging masaya ako,

yung pakiramdam na never kong inasahang darating ulit sa buhay ko.

 

Ang saya, nagkakulay mundo ko, 

ngiti ko abot hanggang tenga kapag magkasama tayo.

sa sobrang saya nakalimutan kong di pala tayo pwede,

malayo sa isat isa, napakaimposible.

 

Magulo isip ko, gusto na sana kitang kalimutan,

gusto kitang burahin sa alaala ko at mag move on ng tuluyan.

kaso sinisigaw ka ng puso at isip ko,

tulungan mo naman ako, ibaon lahat ng alaala mo.

 

Mahal kita higit pa sa inasahan ko,

Mahal kita sa puntong ikaw na ang tinuri kong mundo.

Sana di mo nalang ako kinantahan noon, 

hindi sana nagkaganito ang puso ko.

 

Hindi ko na alam san pa to patungo,

palagay mo ba tama na? kailangan na ba talaga nating sumuko?

alam ko nahihirapan ka na, ganun din naman ako,

iasa nalang ba natin sa tadhana kung tayo parin sa dulo?

Author's Notes/Comments: 

For Mr. Melvin Seno :(

View i_am_grazie's Full Portfolio