Diyosa Ng Silangan

Folder: 
Beauty

(Goddess Of The East)



Kagandahan mo’y mistulang bituin

Tulad ng tala sa umaga ay nagniningning

Kahit nag-iisa’y kumikislap-kislap

Sinasamba ninuman maging sa mga ulap



Mata’y nangungusap

Parang nakiki-usap

Mala-makopang mga labi

Kaypula, masarap hagkan; nakaka-imbi.



Mukhang, hugis-puso

Laging nagsusumamo

Kindat at ngiti

Umi-indak; nakakabighani.



Biloy ay kakambal ng buwang kabilogan

Nakakatawag pansin kahit sinuman

Ilong na maganda pinatangos ng kayumian

Ugaling maganda, maharlika sa katangi-an.



Diyosa ng silangan

Diwata ng kabataan.

Ikaw ay musa ng kariktan

Lakambini ng kayamanan.



~greenmeadow~

@20 Aug -06

Author's Notes/Comments: 

~ a traditional Filipino poem ~ tula sa sarili kong wika ~

View greenmeadow's Full Portfolio
tags: