Handa ka ba?

Folder: 
Tagalog Poems

di ko na alam anong gagawin ko,

gigive-up na ba ako o di parin ako susuko.

di ko kasi alam anong sitwasyon ko sayo,

hanggang kaibigan lang ba talaga o medyo may chance pa ako.



hirap naman kasi di ko kayang makipagsabayan,

dami kasing umaangkin sayo,feeling ko wala akong karapatan.

pero nangingibabaw parin love ko sayo,

at basta para sayo,kahit na ikamatay ko.



ang ganda ng feeling ko,di ko nga lang kaya pang ipaalam,

pag-andyan ka na kasi di ko alam san ko sisimulan.

bigla nalang lumulutang ang isip ko sa kawalan,

at feeling ko napapalibutan ako ng sang dosenang anghel sa sobrang kasiyahan.



alam mo ba yung feeling na ganito?

na kahit gusto mong ipagsigawan maraming humahadlang sayo.

di mo rin alam kung pakikinggan ka ng taong mahal mo,

baka pagtawanan ka lang o kaya bigla nalang syang lumayo.



masaya sana kung ready ka nga lang makinig,

kung ready kang tanggapin bawat nilalaman nitong dibdib.

kung ganito rin lang sana nararamdaman mo,

ang sarap sigurong mabuhay ng lagi sa piling mo.



pero pano mangyayari yun,ni hindi mo pa nga alam,

ang nararamdaman ko sayong  higit pa sa isang kaibigan.

hirap naman talaga lalo't di pa sapat ang lakas ng loob ko,

sa totoo lang mahal na mahal kita,

handa ka naman kaya kung sakaling malaman mo?....

Author's Notes/Comments: 

when ko kaya masasabi sa kanya? haaayyy

View i_am_grazie's Full Portfolio
tags: