gusto lang kitang mahalin

Folder: 
Tagalog Poems

ginusto kong mangarap

kahit di naman magkakatotoo,

di ko namn siguro kasalanan

kung pilt kong inaabot ang tulad mo.

wala akong karapatan pero

pwede bang angkinin kita?

sa panagrap ko...sa panaginip ko..

pwede ba?



di ko maiwasang malunod sa

nararamdaman ko,

dahil isang ngiti mo lang halos

mamatay ako.

kulang na lang magkorteng puso

ang mga mata ko,

at mapuno ng ibat-ibang bulaklak ang mundong ito.



kakaiba pero ito talaga

ang nararamdaman ko,

para akong nagmahal ng isang anghel

na di kayang abutin ng tulad ko.

sa araw-araw na dumaraan sa buhay ko,

walang oras o segundo na di ko

inisip kung pano maging bahagi ng mundo mo.



Mr.Aristotle Picache pasensya na talaga,

di ko naman tinuruan ang puso ko na mahalin ka.

sa pangarap nalang kita kayanag abutin wag mo naman

sanang ipagkait,

gusto lang naman kitang mahalin,

pero di ako naghahangad ng anumang kapalit.

Author's Notes/Comments: 

for arhiz...

View i_am_grazie's Full Portfolio
tags: