san mig at yosi

Folder: 
Tagalog Poems

ang sarap mangarap habang tinititigan ka,

ang gaan sa pakiramdam,feeling mo nasa ulap ka,

ang buong mundo ko tila humihinto dahil sayo,

para akong napapalibutan ng 'sang dosenang anghel

at abot-tenga ang ngiti ko.



sobrang kilig na may halong kaba,

tuwing mahuhuli mo ako sayo'y tulala.

magkatinginan lang tayo para akong matutunaw,

halos gusto kong magwala at magsisigaw.



kung di man malaswa sabihin lam mo ba habang iniinom mo yang san mig mo,

iniisip ko sana ako nalang yung san mig para ako nalang nalalapatan ng labi mo.

at habang naniningkit ang mata mo sa paghipat mo sa yosi mo,

gusto kong ipagsigawan na sana ako nalang yung yosi para ako yung hinihipat mo.



di ko maipaliwanag pero halos maubos ang hininga ko,

habang pinagmamasdan ko ang ilaw ng discohan na pilit sinisipat ang mukha mo.

at kahit anong saya sa mundo di parin mahihigitan ang sayang naramdaman ko,

nung napatawa kita habang nag-uusap tayo.



halos araw-araw laman ka ng isipan ko,

at walang saglit ang sinayang ko kapapangarap sayo.

kakaibang magic pumapalibot sa mundo ko,

at nagiging slow motion ang bawat pagkilos mo.



lam mo bang kinukompleto mo lagi ang araw ko,

di ko akalaing ikaw lang pala ang magbibigay kulay sa mundo ko.

nakakatawang isipin na nangyayari sakin ang mga kabaliwang ito,

pero "Tata" pigilan ko man sarili ko lalo lang akong nanggigigil sayo...

Author's Notes/Comments: 

shock!!! for you my arhiz...

View i_am_grazie's Full Portfolio
tags: