hindi ako sanay ng ganito,
ako nandito at ikaw ay amalayo.
nasanay lang kasi ako na lagi sa tabi mo,
at wala sa plano ko ang lahat ng ito.
gusto kitang kalimutan pero parang hirap akong gawin,
ayoko rin namn ang puso ko'y paasahin.
wala na tayo pero hirap akong tanggapin,
mula noon hanggang ngayon ikaw parin ang mamahalin.
wag na kitang alalahanin at tanggalin na kita sa buhay ko,
yan lagi ang payo nila at bulong ng utak ko.
pero ang hirap pala kapag wala ka,
parang gusto kong bumalik sa nakaraan kung nasan naroon ka.
minsan mas masarap mabuhay sa pangarap kaysa sa katotohanan,
at least masaya ka at hindi nasasaktan.
kung naisip ko sana noon na ganito pala kahirap pag wla ka,
sana tiniis ko nalng ang lahat, as long as kasama kita...