mundo ko....

Folder: 
Tagalog Poems

sa lahat ng bagay na ginawa ko wala pa akong pinagsisihan,

dahil ang alam ko lahat ng bagay ay may dahilan.

di ko akalaing darating ang araw na ito,

na ako na mismo, gusto ko ng tumakbo palayo..



sa lahat ng pinagdaanan ko mas masakit pala ito,

halos gunawin ang buong mundo ko.

isang tao lang pala ang gigiba sa tapang at lakas ng loob ko,

yung taong iyon minahal ko pa ng todo.



balewala saken lahat man ng saki'y mawala,

dahil inisip ko pagkasama sya kompleto na.

sya pala mismong tatapak sa pagkatao ko,

sya pa mismo ang uudyok saking pagsisihan ang lahat ng ginawa ko.



pero ayokong pagsisihan mas gusto ko pang mawala,

para lahat ng sakit na nararamdaman ko'y maglaho na parang bula.

umiikot man ang mundo ko,umiikot yun dahil sa kanya,

at ayokong isipang hihinto rin yun kung sya'y mawawala.



masyadong mabigat para ako lng ang magpasan,

mali na love ang unahin kaysa sariling kapakanan.

kung tatalikod sya tatalikod narin siguro ako,

pero di ko na sya kailanman lilingunin,sabihin man nating sya ang mundo ko....

View i_am_grazie's Full Portfolio
tags: