himlayan...

Folder: 
Tagalog Poems

kaibigan ikaw na ba talaga yan?

yan ba talaga ang nais mong patunayan?

ayos na ba ang bawat problema?

ito na ba ang sinasabi mong katapusan o ito palng ang simula..



sino nga namn ang makakapagsabing ganito pala,

ikaw andyan at kami dito ay tulala.

maraming nagulat, bakit nga kaya?

siguro talagang mahirap at di mo na kinaya.



ano ba talaga ang meron sa kawalan?

at ang iba sa atin ay gustong mapuntahan?

tahimik nga ba? may kapayapaan ba talaga dyan?

hirap sagutin kahit lubos kung pag-isipan.



kaibigan ikaw na ba talaga yan?

hindi ko lubos maisip habang hinahatid ka sayong himlayan.

sana nga naiparating mo ang nais mong patunayan,

kaya lang sana ginawa mo sa ibang paraan...






Author's Notes/Comments: 

this is for the memory of my late beloved friend John Paul...Rest in Peace my friend!

View i_am_grazie's Full Portfolio
tags: