bestfriend?

Folder: 
Tagalog Poems

akala ko habambuhay nalang akong ganito,

nag-iisa at nagpapakagag0.

pero dumating ka malayo sa inaasahan ko,

binago mo buhay at pagkatao ko.



natuto akong mangarap muli,

pinahid ang luha at tinuruang ngumiti.

inalalayan bawat paghakbang ko,

binuo muli ang gumuho kong mundo.



sabi ko noon ayoko na talaga,

pero pinadama mo ang aking halaga.

pinakita mo ang liwanag ng bukas,

sa hawlang malamig tinulungan mo akong makatakas.



kaya sa bawat araw na nakakasama kita,

tinatanong ko sa sarili ko kung mahal na ba kita.

siguro oo,nahulog na ako sayo,

at ngayon handa ng sabihin sayo ang nararamdaman ko.



nakita kitang nakaupo at tila masaya,

kaya lumapit ako para sabihing mahal kita.

kaya lang natigilan ako at natulala,

ng sabihin mong,"BESTFRIEND! kami na!"


View i_am_grazie's Full Portfolio
tags: