Heto na heto ba?
heto na heto ba? ang pag_asa ng bayan,
walang ibang alam kundi katarantaduhan.
imbes na ang hawak ay libro,
droga at inuman ang inaasikaso.
kapos sa kahirapan kaya di makapagtapos,
kaya ayon sa lansangan at nagpapalimos.
nasan na ba ang kanilang mga magulang?
kaya mga kabataan walang malinaw na kinabukasan.
gustong kumita sa madaling paraan,
para luho daw ay matustusan.
kaya paghuhubad kanya ng pinasukan,
di raw uso pakeme sa pagbebenta ng laman.
ang mag kalalakihan na walng iabng alam
ang utak kundi kamunduhan.
kung sino-sinong babae pinagpaparausan,
kaya ngayon HIV hindi nya matakasan.
siga raw sya,leader ng kangyang tropa,
sa gulpihan at resbakan numero uno sya.
walang pulis-pulis,walang kinatatakutan,
ngayon wanted ng batas,bitay ang hantungan.
kain tulog gala ang alam,
patambay-tambay at nakikipag-inuman,
ayaw kumilos,ayaw magtrabaho,
kaya lumaking palamunin ang G@G0.
bente-bente lang minsan sampu,
kara cruz tong its majong kanyang pinapanalo.
masyadong umabuso sabungan ay dinayo,
kaya tuloy bahay at lupa nila nabente ng ABUSADO!
heto na heto ba ang pag-asa ng bayan?
walng ibang alam kundi katarantaduhan,
sa pagkakataong ito meron pa bang aasahan?
kung ngayon palang KABATAAN LULONG NA SA KASAMAAN...