Naabutan Mo Ba?

Folder: 
Mga Tula

Naabutan mo ba ang mga punong
Hitik sa mga bungang masasarap
At kumikinang pa sa gabi
Dahil sa mga alitaptap?
Naabutan mo ba ang mga ilog
Na sadyang malinis at dalisay
At iniiuman pa nga
Ng mga manlalakbay?

Naabutan mo ba'ng kabundukan
Na s'ya'ng tanawin ko pag nag-iisa?
Kulay berde iyon dati
Ngayon ay abo na.
Naabutan mo ba'ng tubig dagat
Na sa kalinisa'y 'di mapantayan?
Subukan mo ngayong pumunta
At nangagtambak na ang basura.

E ang mundong tirahang niyari,
Maabutan pa kaya ng sunod na salin-lahi?

View darklion's Full Portfolio