Ang aking buhay,
Ay isang paraisong napabayaan
isang mundong walang kulay
Isang kometang walang patutunguhan.
Mag-isa ako.
Ang tatay ko'y hindi ko pa nakikita
Nanay ko'y nagtatrabaho
Wala akong kasama, laging mag-isa.
Hindi ko alam
Kung bakit ba sila naghiwalay noon.
Ba't gan'to ang kapalaran?
Tatlo na kaming nahihirapan ngayon.
Sinong kawawa?
Nanay ko'y nahihirapang magtrabaho
Tatay ko'y nagungulila
At ako, na laging mag-isa sa kwarto.
Bakit ganito?
Sadya bang ganito talaga ang buhay?
Ano ba ang nagawa ko
At ako ay unti-unting pinapatay?
Bata pa ako
At marami talagang tanong sa buhay
Ang isip ko'y litong-lito
Parang musmos na naghahanap ng tatay.