""Inay, Pakinggan Mo""

Nakakulong ako sa kalungkutang

Kaylan man ay 'di ko matatakasan

Nakakulong akong nag-iisa

Pero bakit hindi mo iyon makita?

Ang akala mo siguro'y masaya ako

Dito sa paraisong ginawa mo

Pero hindi naman ito paraiso

Dahil wala ka naman sa  piling ko

Kaylan mo kaya maiintindihan

Na hindi lang pera mo ang aking kailangan

Inay, kailan mo kaya malalaman

Na sa likod ng aking mga ngiti'y may labis na kalungkutan

Minsan andito ka't kapiling kita

Pero hindi ko naman maramdaman ang iyong presensya

Noon pinipilit kong maging masaya

Pero ngayon alam ko na

Na nanay lang pala kita

At ngayong sanay na akong wala ka

Ngayong sanay na akong nag-iisa

Bakit ngayon mo iyan pinapakita

Ngayon kung kaylan ang lahat ay huli na...

Author's Notes/Comments: 

hayyy... ang hirap talagang mag-isa... kailan kaya malalaman ng nanay ko na hindi lang ang pera niya ang kailangan ko... kailangan ko rin naman siya...

View darklion's Full Portfolio
tags: