Droga, alak, at sigarilyo
Ang lahat ng ito'y sari-saring bisyo
Pero ang akin ay naiiba
'Pagkat ang bisyo ko'y ang mahalin ka.
Mula nang ika'y mapansin
Naadik na ako sa kakatingin
'Pagkat kinulayan mo ang buhay kong maitim
At ginawan mo ako ng magandang hardin.
Tuluyan na nga akong naadik sa'yo
Na hindi ko man lamang namamalayan
Binihag mo ang puso kong ito
na wala namang kasalanan.
Kung may gamot man sa bisyo kong ito
Hindi naman siguro kasalanan kung ayaw ko nang gumaling dito.