""Uri ng Pag-ibig""

Ang pag-ibig ng tao sa kanyang minamahal

Kung minsan ay hindi makatiis at hindi makapaghintay

At dahil dito sa kanyang pagmamadali

Ay nagkakaroon sya ng maraming pagkakamali.



Kung minsan ang pag-ibig ng isang tao ay sakim

Hahamakin ang sinuman at lahat ay gagawin

Mapasakanya lang ang kanyang sinisinta

Kahit pa alam nyang mali ang kanyang ginagawa.



Mayroon din namang pag-ibig na naghihintay

Naghihintay na mahalin din sya ng kanyang mahal

Kahit na maunahan sya ng iba

Magmamahal pa rin sya para sa kanyang sinta.



Ako'y isa lamang umiibig na tao.

Sinta ko, kung sakaling ako'y mahal mo

Alin kaya sa mga ito ang pag-ibig mo?

Ang akin ay yung ikatlo.

View darklion's Full Portfolio
tags: