""Hanggang Dumating Sa'kin ang Pag-ibig""

Araw-araw sa eskwela, laging walang ginagawa.

Lagi na lang nakatunganga, hanggang sa ika'y makita.

Lagi akong tinatamad, lagi na lang walang gana

Sa pagpasok sa eskwela, hanggang sa ika'y makita.



Nagkaroon ng kulay ang buhay kong malumbay.

Sana, pagkagising ko araw-araw, ang makikita ko'y ikaw.

Kapag napapanaginipan kita, parang ayaw ko nang magising pa.

Gusto ko lagi kitang kasama, mapagabi man o umaga.



Kung sasabihin ko sa'yo ngayon itong aking nararamdaman

At magkataon na ako'y sagutin mo hirang,

Ay nasisiguro kong maraming hahadlang

Sapagkat tayo'y high school pa lamang.

Author's Notes/Comments: 

...I've decided to court her after our graduation. But for now, ipapakilala ko muna ang aking sarili sa kanya...

View darklion's Full Portfolio
tags: