""Ako'y Umiibig Lamang""

Ako'y titingala, sa ulap na malaya

Ako'y tutula, pero hindi ako makata.



Wala akong talino katulad ni Francisco.

Hindi ako si Shakespeare na malawak ang bokabularyo.

Wala din akong lakas katulad ni Bonifacio.

Ang meron lang ako ay ang pag-ibig ko sa'yo.



Ikaw si Juliet, pero hindi ako si Romeo.

Hindi din ako kasing gwapo katulad ng iniisip mo.

Kung akala mo'y ako'y nambobola, yan ay hindi totoo.

'Pagkat ang pag-ibig ko ang aking tanging maipapangako.



Tayo'y nasa mundong walang sinuman ang perpekto

pero ang pagtingin ko sayo'y isang perpektong tao.

View darklion's Full Portfolio
tags: