Kung sa bawat saya, may sakit,
Kung sa bawat sarap, may pait,
Kung sa bawat pagkapit, may pagbitaw,
Ano pang saysay ng ating pagmamahal?
Oo, may sakit at may pait sa bawat pagbitaw,
Sa bawat tamang pagbitaw,
Pagbitaw na kahit tama
Ay kahit kaylan hindi ko magawa.
Kumapit.
Oo, yun lang ang nagawa ko,
Ang kumapit sa ibang tao
Pagkapit sa isang mapagmahal na tao
Taong kaya kang alagaan,
Taong kaya kang pahalagahan,
Taong punong puno ng kasiyahan
Taong kaya akong alayan ng pagmamahal,
Taong iniisip na kami ay magtatagal.
Kinikilala ko sya tulad ng pagkilala ko sa'yo,
Yung pagkilalang may halong respeto,
Pagkilalang kayang intindihin ang kahit na ano
Hahayaan ko syang ikwento
Lahat ng karanasan nya
Walang hanggan ko syang dadamayan
Ipaparamdam na lagi akong nandyan
Handang makinig sa mapait nyang nakaraan.
Sasanayi ko sya sa mga sulat,
Mga sulat na magpaparamdam sa kanya
Kung gaano sya sakin kahalaga.
At ng sya na mismo,
Sya na ang umoo,
At sinabing kumapit ako,
Kumapit sa kanya hanggang dulo,
Kumapit ako.
Kumapit ako sa kanya
Para lang mabitawan kita.
Sinabi kong mahal na mahal ko sya
At wala akong balak na iwanan sya
Oo, kumapit lang ako,
Matagl na akong kumakapit
Matagal na akong umaasa
Umaasang mamahalin ko sya.
At sa sinasabi mong turuan ko sya ng tamang pagbitaw
Pagbitaw na namimilipit sa sakit
At patuloy pa ring kumakapit?
Hinding hindi ko ipaparamdam sa kanya
Ang anumang ipinaramdam sakin ng iba,
Dahil kahit hindi ako marunong bumitaw sa'yo
Alam kong marunong pa rin akong magmahal ng ibang tao.
Siguro nga, tinuruan ka na nyang bumitaw,
Siguro nga, marami ka ng alam sa buhay,
Sana lang dumating na din ang araw
Na matutunan mo din kung pano magmahal
Yung tamang pagmamahal,
Yung tamang pagkapit,
Pagkapit na wala ng sakit,
Wala ng pait,
Wala ng pagbitaw,
Pagkapit sa tamang taong
Mamahalin mo habambuhay.